^

PSN Palaro

Pupuntirya ng panalo vs UST: NU gustong dumikit sa itaas

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m.  La Salle vs UP

4 p.m. UST vs NU

 

MANILA, Philippines - Gugulong ang Natio­nal University sa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa pagharap sa UST sa pagpapatuloy ng 76th UAAP men’s basketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Sa dakong alas-4 iti­nak­da ang nasabing tagisan at ang Bulldogs ay magta­tangka na dumikit pa sa nangungunang FEU sakaling maisulong ang pumapangalawang 6-3 baraha.

Tinalo ang mga koponan ng La Salle, FEU at Adam­son, nangibabaw rin ang tropa ni coach Eric Alta­mirano sa Tigers sa unang pagtutuos, 71-67, para mapaboran sa labanan.

Ngunit hindi dapat na magkumpiyansa ang Bulldogs dahil ang bataan ni coach Alfredo Jarencio ay na­ngangailangan din ng panalo para manatiling palaban sa puwesto sa Final Four.

May  pantay na  4-4 kar­ta, ang UST na kasalo ang Ateneo sa ikalima at anim na puwesto at natalo sa hu­ling laro sa UE, 67-68, ay makakasama na ang team captain at kamador na si Jeric Teng.

Matatandaan na si Teng ay dumanas ng shoulder injury na nakuha sa unang laro nila ng Bulldogs matapos itulak sa likuran ni Jeoffrey Javillonar.

Tiyak na nais ni Teng na makabawi at gagawin niya ito sa pamamagitan ng pagbitbit sa koponan sa panalo.

Ikatlong sunod na panalo ang hanap naman ng La Salle sa pagsukat sa UP sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.

Magpaparada ng ba­gong head coach ang Ma­roons sa katauhan ng na­unang naupong team ma­nager Rey Madrid matapos ang pagbibitiw ng dating mentor na si Ricky Dandan.

Kailangan ni Madrid na makuha ang lubusang su­porta sa kanyang mga manlalaro para masabayan ang mainit na paglalaro ng Archers na pinabagsak ang Adamson at FEU sa unang dalawang asignatura sa second round.

ALFREDO JARENCIO

ERIC ALTA

FINAL FOUR

JEOFFREY JAVILLONAR

JERIC TENG

LA SALLE

LARO NGAYON

SHY

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with