Pinoy riders maganda ang tinapos sa Tour de Borneo

MANILA, Philippines - Tumapos sa pang-wa­long puwesto sina Mark Galedo ng 7Eleven-Roadbike Phl at Junrey Navarra ng LBC-MVP Sports Foundation sa panghuling stage five ng Tour de Borneo noong Huwebes sa Sabah, Malaysia.

Naorasan sina Galedo at Navarro ng dalawang oras, 15 minuto at 35 segundo para mapabilang sa 30-katao na tumawid sa ikalawang puwesto sa 98.1 kilometrong karera  na nagsimula sa Kundasang at natapos sa Penampang.

Dahil sa naitala, si Galedo ang lumabas bilang pinakamahusay na Filipino rider na sumali nang nalagay sa ika-sampung puwesto sa overall sa  17:44:12 kabuuang oras matapos ang limang legs.

Si Navarra ang panga­lawang pinakamahusay na Pinoy rider nang nalagay sa ika-14th place sa 17:47:46 habang ang iba pang isinali ng Pilipinas at kanilang tinapos ay 7Eleven-Roadbike’s Boots Ryan Cayubit  nasa No. 17 (17:50.54), Baler Ravina nasa No. 23 (17:56.08), Marcelo Felipe nasa No. 25 (17:58.22) at Mark Julius Bordeos nasa No. 27 (18:00.40) at LBC-MVPSF’s Rustom Lim nasa No. 22 (17:55.24), Ronald Oranza nasa No. 36 (18:09.41), El Joshua Carino nasa No. 37 (18:10.57) at Ronald Lomotos nasa No. 51 (18:20.00).

Si Ghader Mizbani ng TPT at nanalo sa idinaos na Le Tour de Filipinas noong Abril, ang siyang nagkampeon sa 17:31.09 oras habang ang kakamping si Mirsakmad Purseyediholakhor  ang pumangalawa sa 17:31:17 at si Joseph Cooper ng HGP ang pumangatlo sa 17:37:37.

Ang stage winner ay si Mehdi Sohrabi ng TPT  nang una niyang naitawid sa finish line ang gulong ng bisikleta para talunin sina Ruslan Kadimov ng Uzbekistan at Cooper. Ang tatlo ay may iisang 2:14:48 oras. 

 

Show comments