^

PSN Palaro

Smart-Maynilad pakay ang solong liderato vs PNP

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  PNP vs Smart-Maynilad

4 p.m.  Air Force vs Cagayan

 

MANILA, Philippines - Ikalawang sunod na pa­nalo ang nais ng Smart-Maynilad habang unang panalo ang pag-aagawan ng Philippine Air Force at Cagayan Province sa pagbabalik-laro ng Shakey’s V-League Season 10  Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Smart-Maynila ang Philippine Na­tional Police sa unang bakbakan sa ganap na alas-2 ng hapon at nais nilang dugtungan ang impre­sibong 25-16, 25-5, 25-19, panalo sa FEU sa unang asignatura.

Si Maru Banaticla ay hindi napigil ng Lady Tamaraws sa kinamadang 19 puntos pero nakatulong pa ang suportadong ibinigay nina Susan Roces, Charo Soriano, Gretchen Soltones at Nica Guliman upang makapagdomina ang tropa ni coach Roger Gorayeb kahit nagparada lamang ng walong manla­laro.

Inaasahang sasabak na sa aksyon si Alyssa Valdez upang lumalim pa ang puwersa ng Smart-Maynilad sa pagharap sa PNP na nais na bumangon mula sa masakit na 17-25, 25-17, 25-21, 15-25, 9-15, pagkatalo sa Meralco.

Babalikat sa Lady PATROLers ang mga bagu­hang manlalaro mula San Beda na sina Frances Molina at Janine Marciano matapos maghatid ng tig-22 hits sa naunang laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Magbubukas ng kampanya ang Air Force at Ca­gayan at inaasahang ma­giging mainitan ang tagisan lalo pa’t parehong may matitikas na manlalaro ang dalawang koponan sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Nasa PAF sina Joy Ca­ses, Maika Ortiz, Iari Yong­co, Liza de Ramos, Judy Ann Caballejo, Rhea Dimaculangan at Jennifer Manzano habang ang Ri­sing Suns na pumangalawa sa nagdaang edisyon, ay kakanlungin nina Aiza Maizo, Angeli Tabaquero, Joy Benito, Shile Pineda, Pau Soriano at Sandra delos Santos.

Samantala, inanunsyo ng pamunuan ng liga ang bagong playdates sa tatlong laro na hindi naisa­gawa noong Martes dahil sa malawakang pagbaha dulot ng malalakas na ulan na hatid ng Habagat.

Ang Army-FEU game ay gagawin sa Agosto 30 habang ang Air-Force-Me­ralco ay itinakda sa Set­yembre 17.

AIR FORCE

AIZA MAIZO

ALYSSA VALDEZ

ANG ARMY

ANGELI TABAQUERO

CAGAYAN PROVINCE

SAN JUAN CITY

SHY

SMART-MAYNILAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with