Sharapova umatras sa US Open dahil sa injury sa balikat

NEW YORK--Umatras sa paglahok sa US Open si Maria Sharapova dahil sa lumalalang injury sa kanang balikat.

Bago ang desisyong umayaw sa torneo, si Sha­rapova na isang four-time major champion, ay see­ded third sa kompetisyon.

“I just wanted to let you know that withdrawing from the US Open has been a really tough decision to make. I have done every­thing I could since Wimbledon to get myself ready but it just wasn’t enough time,” wika ni Sharapova sa kanyang Facebook page.

Nanghihinayang naman ang mga nagpapatakbo sa US Open sa pangyayari.

Noong 2008 huling lumiban si Sharapova sa pagsali sa torneo matapos ipaopera ang kanyang kanang balikat.

Matapos ang operas­yon  ay bumalik si Sharapova at nanalo sa French Open noong nakaraang taon para makumpleto ang Grand Slam.

Si Sharapova rin ang ikalawang manlalaro na lumiban sa taong ito matapos ni dating top 10 player sa kalalakihan na si Mardy Fish ng US dahil sa mga personal na kadahilanan.

 

Show comments