Mansyon ni Pacman sa L.A. ibinebenta na

MANILA, Philippines - Ang kanyang mansyon sa Los Angeles, California ang isinusuko ni Manny Pacquiao at hindi ang kanyang makulay na boxing career.

Sa ulat ng real estate blog na Realtor.com, ibinebenta ng Filipino world eight-division champion ang kanyang two-storey Mediterranean style mansion sa Hancock Park sa Los Angeles sa halagang $2.7 milyon.

Ang nasabing five-bedroom property ay may magarang kusina.

Makikita rito ang gourmet appliances, isang built-in coffee bar at malaking kitchen island na may lumulutang na glass hood. Sa itaas, makikita mula sa master suite balcony ang isang swimming pool at spa.

Binili ni Pacquiao ang naturang mansyon noong 2009 sa halagang $2.17 milyon, ayon sa public records.

Ang mansyon ay naitampok na sa TV episode ng MTV “Cribs” noong 2010.

 

Show comments