MANILA, Philippines - Bagama’t isa siyang Spaniard, malapit naman si NBA superstar Pau Gasol sa mga Filipino.
Sa kanyang Twitter account na @paugasol, ipinaraÂting ng Los Angeles Lakers center ang kanyang pag-aalala sa mga nasalanta ng bagyong ‘Maring’.
“All my support to all the families affected by the floods in the Philippines. Be safe and stay strong! #PrayForThe Philippines,†wika ng seven-footer na si Gasol.
Dahil sa pagragasa ng bagyo, napuwersa ang UAAP at NCAA na kanselahin ang kanilang mga itinakdang laro kahapon.
Ang 33-anyos na si Gasol ang unang NBA player na palagiang nagpopost ng kanyang mensahe tuwing may nararanasang kalamidad ang Pilipinas.
Noong Setyembre ng 2011 ay nanawagan ng tulong si Gasol, aktibo sa kanyang charity work sa iba’t ibang bansa, para sa mga biktima ng bagyong ‘Pedring’.
Dapat sanang nakabisita si Gasol sa bansa noong Nobyembre ng 2011 kundi lamang ito nasabay sa traiÂning camp ng Lakers.
Si Gasol din ang bumati sa Gilas Pilipinas matapos makamit ang ikalawa sa tatlong tiket para sa 2014 FIBA World Championships sa Madrid sa idinaos na 27th FIBA-Asia Men’s Championships na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.