Julaton binigo ni Salazar

MANILA, Philippines - Pansamantalang bumagsak ang tsansa ni dating Filipino world female super bantamweight champion Ana ‘The Hurricane’ Julaton para sa isang title shot.

Ito ay matapos siyang talunin ni Celina Salazar via unanimous decision sa kanilang 10-round, super bantamweight title eliminator sa Plaza de Toros sa Cancun, Mexico.

Ito ang unang laban ng 33-anyos na si Julaton, da­ting World Boxing Organization at International Boxing Federation female super bantamweight queen, ngayong taon matapos magposte ng dalawang sunod na panalo noong 2012.

Tinalo ni Julaton sina Yolanda Segura at Abigail Ramos noong Mayo 4 at  Agosto 3, 2012, ayon sa pagkakasunod.

Nalasap ni Julaton, ang mga lahi ay tubong Pozzorubio, Pangasinan, ang kanyang ikaapat na kabiguan para sa kanyang 12-4-1 win-loss-draw ring record kasama ang 2 KOs. Itinaas naman ng 24-anyos na si Salazar  ang kanyang kartada sa 5-1-2 (1 KO).

Dahil sa panalo ay posibleng hamunin ni Salazar si International Boxing Federation bantamweight queen Yazmin Rivas ng Mexico.

Show comments