MANILA, Philippines - Magpupulong ang UAAP board sa Agosto 22 para pag-usapan ang TRO na nakuha ng kampo ni Joshua General na idineklarang hindi eligible na maglaro na para sa UP.
Nagpalabas ang Quezon City Regional Trial Court ng 20-day temporary restraining order para pigilan ang implementasyon ng ruling ng UAAP na nagbabawal sa paglalaro ni General.
“The UAAP Board will honor the TRO and will allow Joshua General to play in UPIS’s games covered by the 20-day period. The UAAP Board will have on its agenda the TRO issue for its regular board meeting on August 22,†wika ng statement ng liga.
Si General ay nasalang na sa aksyon laban sa UST sa UAAP juniors at humablot ito ng 10 rebounds at may dalawang puntos para tulungan ang UPIS na manalo sa 73-71 iskor.
Ito dapat ang ikalawang panalo ng UPIS sa season pero binawi ng board ang 89-87 quadruple overtime panalo sa Adamson nang napatunayan na illegal player si General. Kung mananatili ang panalo o babawiin ito ay nakadepende sa magaganap na pagpupulong sa Agosto 22.