^

PSN Palaro

Texters natakasan ang Energy sa OT

RCdayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Center, Antipolo City)

3:45 p.m. Globalport vs Rain or Shine

6 p.m. San Mig Coffee vs Air21

 

MANILA, Philippines - Hindi ito ang inaasahan ng Energy.

Bumangon mula sa isang 16-point deficit sa third period, tinalo ng Talk ‘N Text ang Barako Bull sa overtime, 118-113, sa kabila ng pagbabakasyon ng kanilang apat na pla­yers na miyembro ng Gilas Pilipinas sa 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nabigong samantalahin ng Energy ang pamamahinga ng Gilas Pilipinas members na sina Jimmy Alapag, Jayson Castro, Ranidel De Ocampo at Larry Fonacier.

“We’re missing a lot of key players. I thought we have to play good defense the whole game,” ani coach Norman Black. “But I’d like to give credit to the players who are not part of the national team who stepped up.”

Mula sa 70-54 abante ng Barako Bull sa kaagahan ng third quarter, isang 21-0 atake ang ginawa nina balik-import Tony Mitchell, Aaron Aban at Sean Anthony para ibigay sa Talk ‘N Text ang 75-70 bentahe sa 3:58 nito.

Ipinoste ng Tropang Texters ang 95-86 kalamangan sa 6:09 ng final canto kasunod ang ratsada nina import Michael Singletary, Mark Macapagal at Mick Pennisi para dalhin ang Energy sa extension period, 101-101.

Sa overtime, kumayod sina Mitchell at Anthony para ilayong muli ang Talk ‘N Text sa 114-104 sa hu­ling 48.5 segundo.

Samantala, kapwa target naman ng Elasto Painters at Batang Pier ang kanilang ikalawang sunod na panalo ngayong alas-3:45 ng hapon kasunod ang salpukan ng Mixers at Express sa alas-6 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Umiskor ang Rain or Shine ng 79-75 panalo kontra sa San Mig Coffee, samantalang tinalo ng Globalport ang Air21, 101-94, sa pagbubukas ng torneo noong Miyerkules.

Mag-uunahan namang bumangon ang Mixers at ang Express mula sa nasabing pagkatalo sa kanilang pagtatagpo sa ikalawang laro.

Talk ‘N Text 118 - Mitchell 48, Anthony 23, R. Reyes 19, J. Reyes 11, Al-Hussaini 8, Aban 7, Peek 2, Raymundo 0, Aquino 0, Alvarez 0, Ferriols 0.

Barako Bull 113 - Singletary 41, Macapagal 24, Pennisi 13, Intal 12, Monfort 9, Marcelo 4, Seigle 4, Jensen 3, Buenafe 3, Bulawan 0, Weinstein 0, Cruz 0.

Quarterscores: 26-31; 53-62; 81-80; 101-101; 118-113 (OT)

 

AARON ABAN

ANTIPOLO CITY

BARAKO BULL

BATANG PIER

BUT I

GILAS PILIPINAS

N TEXT

SAN MIG COFFEE

YNARES CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with