Trillo pinalagan ang PBA sa San Mig-Barako trade: Sama ng loob inilabas sa Twitter
MANILA, Philippines - Hindi naitago ni Alaska head coach Luigi Trillo ang kanyang pagkaasar sa Philippine Basketball Association ukol sa nangyaring trade sa pagitan ng San Mig Coffee at Barako Bull kahapon.
Sa naturang trade, ibinigay ng Mixers sina Wesley Gonzales at Chris Pacana bukod pa ang 2017 second round pick sa Energy kapalit ni Allein Maliksi.
Idinaan ni Trillo sa paÂmamagitan ng kanyang Twitter account na @luiÂgitrillo ang saloobin niya hinggil sa inaprubahang San Mig Coffee-Barako Bull trade ni PBA Commissioner Chito Salud.
“Am I bitter? No I’m not just impressed at how teams find ways to strengthen their line ups, quite shocked at Barako’s trades Sad,†wika ni Trillo.
Ayon kay Trillo, iginiya ang Aces sa kampeonato ng nakaraang 2013 PBA Commissioner’s Cup, si Maliksi ang natitirang kamador ng Energy.
“Would you trade James Yap for Bulawan and Celino Cruz? Cannot see the logic In letting a taÂlent like Maliksi go,†ani Trillo.
Ang 6-foot-3 at 25-anÂyos na si Maliksi, produkto ng UST Tigers sa UAAP, ay unang naglaro para sa Barako Bull noong 2011 bilang No. 8 pick sa PBA Draft bago dinala sa Barangay Ginebra mula sa isang trade noong nakaraang taon.
Muling nakabalik si Maliksi sa Energy via trade noong Enero ng 2013.
- Latest