Laro sa Linggo
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2:30 p.m. PNP vs PhilHealth
4:00 p.m. Congress-LGU vs MMDA
5:30 p.m. Judiciary vs AFP
MANILA, Philippines - Kinuha ng PhilHealth at Philippine National Police ang ikalawang sunod na paÂnalo nang padapain ang mga dating wala ring talong koponan sa pagpapatuloy ng 1st UNTV Cup noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Gumawa sina Carlo Timothy Capati at Kenneth Emata ng 24 at 20 puntos para sa balanseng pag-atake ng PhilHealth tungo sa 98-73 dominasyon sa Congress-LGU.
Nagpasabog si Ervic Vijandre ng 35 puntos sa second half pero hindi na kinaya pa ng tropang hawak ni playing coach Gerry Esplana na makabangon pa mula sa 27-puntos na pagkakalubog sa first half para bumaba sa 1-1 baraha.
Si dating UAAP standout Olan Omiping ay mayÂÂ 23 puntos para sa PNP na naglatag ng maÂtibay na depensa sa endgame tungo sa 72-69 panalo sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nasayang ang 12 puntos at 12 rebounds bukod pa sa 4 steals at 2 blocks si Roland Pascual dahil nakasalo ngayon ang AFP sa ikalawang puwesto sa 1-1 karta.
Nakapasok na rin sa win-column ang Judiciary nang durugin ang Department of Justice (DOJ), 130-60, sa ikatlong laro.
Mahalaga ang bawat panalong makukuha dahil single-round robin ang magaganap sa pitong koÂponan at ang manguÂngulelat sa ligang inorganisa ng Breakthrough and Milkestones Production International (BMPI) sa pamumuno ni Chairman at CEO Daniel Razon, ay mamamaalam agad.