37th National Milo Marathon Quilab, Ramirez kampeon sa Dumaguete leg

MANILA, Philippines -  Dinomina nina Rodil Quilab at Mereeis Ramirez ang labanan sa 21-K division ng 37th National MILO Marathon sa Dumaguete kahapon.

Nagtala si Quilab ng tiyempong 1:15:05 para talunin sina Riez Enriquez (1:15:33) at Romulo Jr. Balinas (1:16:31).

Ang 22-anyos na tubong Iligan ang puma­ngatlo sa Cagayan de Oro Dahilayan Trail 55K Ultra Marathon noong 2011 at pumangalawa sa Kaga­y-an Festival Marathon noong 2012.

Inangkin nina Quilab at Ramirez ang premyong P10,000.00 at tropeo.

Nabigyan din ng pagkakataon ang dalawa na makalahok sa National Finals sa Disyembre sa SM Mall of Asia grounds.

Sa 3,496 runners na sumali sa karera, ta­nging 12 lamang ang makaka­sali sa National Finals  na  kasama sina Quilab at Mereeis.

Ang hihirangin na MILO Marathon King at Queen ay isasabak sa Paris Marathon sa 2014.

Magbabalik ang qualifying race sa Tagbilaran sa Setyembre bago lumipat sa Queen City sa South Cebu sa September 22.

 

Show comments