MANILA, Philippines - Isang araw bago ang kanilang importanteng laro kontra sa KazakhsÂtan sa 27th FIBA-Asia Men’s Championship ay pinayagan ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes si Gary David na makauwi sa kanilang tahanan at makapiling ang kanyang pamilya.
Hindi na pinakawalan ni David ang naturang pagkakataon.
Ang lahat ng bagay na nagbigay sa kanya ng suwerte ay dinala niya pabalik sa tinitirhan ng Pilipinas na Dusit Hotel sa Makati City.
“Pag-uwi ko, talagang kinuha ko ‘yung mga bagay na nai-suot ko noong maganda ang laro ko. NaÂging kumportable ako,†wika ni David.
Sa kanilang 88-58 pagpulbos sa Kazakhstan sa quarterfinal round noong Biyernes ng gabi, umiskor ang kamador ng Globalport ng 22 points mula sa matinding 7-of-11 fieldgoal shooting, kasama dito ang 4-of-6 clip sa three-point line.
Ito na ang pinakamaÂgandang inilaro ng 35-anÂyos na si David sa natuÂrang torneo matapos ang malamyang ipinakita sa first at second round ng eliminasyon.
Nagtala lamang ang tubong Dinalupihan, Bataan na si David, dating kinilala sa PBA bilang top local scorer sa 2011-2012 Philippine Cup matapos magposte ng mga aveÂrages na 25 points, 3.8 rebounds at 2.4 assists, ng 2.6 points per game average sa kanyang anim na laro sa eliminasyon ng FIBA-Asia ChamÂpionship.
“Malaking tulong talaga ‘yung nakasama ko pamilya ko, nakatulog ako ng isang oras sa sarili kong kama kasama pamilya ko,†ani David, naging biktima ng mga bashers sa online.
Nakatakdang laÂbanan kaÂgabi ng Pilipinas ang Korea, tinalo ang Qatar, 79-52, sa semifinals.