Team Manila isinuko ang Big League title

MANILA, Philippines - Hindi napangatawanan ng Manila South ang maagang paglayo para bitiwan na ang titulo sa Big League World Softball sa pamamagitan ng 4-6 pagkatalo sa Indiana District II noong Huwebes sa Bruce Layton Field, Delaware.

Si Queeny Sabobo ay gumawa ng homerun sa ikalawang inning para pakinangin ang tatlong runs na ginawa ng Manila para sa 4-0 kalamangan.

Ngunit ito na ang huling hirit ng tropa ni coach Ana Santiago dahil isang hit na lamang ang ibinigay ni Indiana pitcher Anna Irons.

Sa fifth inning nagsimulang kumunekta at umiskor ang koponang kumatawan sa Central. Tig-isang runs ang ginawa nila sa fifth at sixth innings at sa huling seventh inning ay pumutok ng apat na runs mula sa dalawang doubles  at dalawang sacrifice flys.

Ito ang ikatlong sunod na pagkatalo ng Manila South matapos manaig sa unang laro laban sa Canada, 15-0, upang ma-maalam na.

Samantala, tinapos ng Laguna ang laban sa Senior League World Series sa pamamagitan ng 3-4 pagkatalo sa California sa larong umabot ng nine inning tungo sa 0-4 karta.

Sinaksihan ni PSC commissioner Jolly Gomez ang dalawang laro at tinuran niya ang kawalan ng international exposures ang siyang pumatay sa Manila at Laguna.

Samantala, naunsiya­mi naman ang pakay na magarang panimula ng Iloilo sa Little League World Softball sa Portland, Ore­gon nang mapasukan ng New Jersey ng run sa bottom eight tungo sa masakit na 3-2 pagkatalo.

Magtatangka silang bumawi ngayon sa pagbangga sa Virginia na napahinga sa unang araw ng aksyon sa  12-under tourney.

 

Show comments