MANILA, Philippines - Kung hindi magbabago ang ipinakikita, hindi malaÂyong si Raymond Almazan ang hirangin bilang Most Valuable Player sa NCAA.
May 7-0 baraha ang Knights at isa sa dahilan ng magandang panimula ng tropa ni coach Caloy Garcia ay dahil sa inspiradong paglalaro ng 6’7 na si Almazan.
Ang starting center ng Letran ang siyang number one sa rebounding sa 16.5 boards upang isama sa kanyang 13.5 puntos at 2.5 blocks.
Nasabi na ni Almazan na ang layunin niya sa taong ito ay ang tulungan ang koponan na manalo para masungkit ang ika-17th titulo at makapantay uli ang three-time defending champion San Beda sa paramihan ng NCAA titles.
Noong nakaraang taon ay nakuha ng Lions ang taÂguri bilang koponang may pinakamaraming titulo at ito ay nangyari nang taÂlunin ang Letran sa tatlong mahigpitang labanan sa championship round.
“Hindi ko naman iniisip ang MVP dahil ang mahaÂlaga sa akin ay matulungan ang Letran na magkampeon,†wika ni Almazan.
Pero karangalan din ng Letran kung si Almazan ang hirangin bilang MVP ng liga dahil matagal-tagal na noon ng isang Letranista ang nanalo sa pinakamaÂlaking individual award na maaaring ibigay sa isang manlalaro
Si Kerby Raymundo ang huling Letran na nanalo ng MVP plum at ang 6’6 Barangay Ginebra center ay pinsan ni Almazan.
Matatandaan na si Raymundo ang kumumbinsi kay Almazan na bumalik sa nasabing paaralan noong nakaraang taon.