^

PSN Palaro

Almazan palaban sa MVP

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung hindi magbabago ang ipinakikita, hindi mala­yong si Raymond Almazan ang hirangin bilang Most Valuable Player sa NCAA.

May 7-0 baraha ang Knights at isa sa dahilan ng magandang panimula ng tropa ni coach Caloy Garcia ay dahil sa inspiradong paglalaro ng 6’7 na si Almazan.

Ang starting center ng Letran ang siyang number one sa rebounding sa 16.5 boards upang isama sa kanyang 13.5 puntos at 2.5 blocks.

Nasabi na ni Almazan na ang layunin niya sa taong ito ay ang tulungan ang koponan na manalo para masungkit ang ika-17th titulo at makapantay uli ang three-time defending champion San Beda sa paramihan ng NCAA titles.

Noong nakaraang taon ay nakuha ng Lions ang ta­guri bilang koponang may pinakamaraming titulo at ito ay nangyari nang ta­lunin ang Letran sa tatlong mahigpitang labanan sa championship round.

“Hindi ko naman iniisip ang MVP dahil ang maha­laga sa akin ay matulungan ang Letran na magkampeon,” wika ni Almazan.

Pero karangalan din ng Letran kung si Almazan ang hirangin bilang MVP ng liga dahil matagal-tagal na noon ng isang Letranista ang nanalo sa pinakama­laking individual award na maaaring ibigay sa isang manlalaro

 Si Kerby Raymundo ang huling Letran na nanalo ng MVP plum at ang 6’6 Barangay Ginebra center ay pinsan ni Almazan.

Matatandaan na si Raymundo ang kumumbinsi kay Almazan na bumalik sa nasabing paaralan noong nakaraang taon.

vuukle comment

ALMAZAN

BARANGAY GINEBRA

CALOY GARCIA

LETRAN

LETRANISTA

MOST VALUABLE PLAYER

RAYMOND ALMAZAN

SAN BEDA

SI KERBY RAYMUNDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with