Qatar handang-handa na sa pagharap sa Nationals
MANILA, Philippines - Pinaghahandaan na ng Qatar ang pagharap sa Gilas Pilipinas sa second round sa pamamagitan ng 75-61 paggupo sa Jordan sa 27th FIBA-Asia Men’s Championships kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nakatakdang labanan ng Qataris ang Nationals ngayong alas-8:30 ng gabi.
Nauna nang tinalo ng nasabing FIBA Gulf zone champions ang Gilas, 79-63, sa labanan para sa 3rd place sa 2012 Asia Cup.
“Ours is not a young team and we have to really manage the playing time of our players,†sabi ni coach Tim Wisman sa Qatar.
Sa Tokyo edition ng Asia Cup noong 2012, sumandal ang Qataris kay dating NBA veteran guard Trey Johnson para talunin ang mga Filipino cagers.
Ngayon taon ay hinugot ni Wisman si Jarvis Hayes bilang kapalit ni Johnson.
Maliban kay Hayes, ang iba pang Qatar players na sasagupa sa Gilas ay sina Yaseen Musa, Daoud Mosa, Saeed Erfan Ali at Mansour Atlif Elhadary.
Sa FIBA-Asia ChamÂpionships sa Wuhan, China noong 2011 ay walang naipanalong laro ang Qataris bunga na rin ng problema sa eligibility ng halos kalahati ng kanilang line-up.
Nagmatigas si FIBA-Asia secretary general Hagop Khajirian sa pagpapatupad ng kanilang patakaran sa kabila ng pagiging FIBA-Asia president ni Qatari federation chief Sheik Saud Bin Ali Al-Thani.
Qatar 75 -- Hayes 15, Musa 14, Mosa 13, Ali 11, Elhadary 10, Turki 5, Mod 3, Saleem 2, Suliman 2, Malek 0.
Jordan 61 – Hadrab 16, Al-Sous 14, Baxter 12, Alfajarj 5, Jamal 4, Shaher 3, Abu 3, Al 2, Alhamarseh 2.
Quarterscores: 23-23; 42-38; 61-52; 75-61.
- Latest