Tiket sa Gilas-Taiwan game ibinenta ng double at triple ang presyo

MANILA, Philippines - Hindi lamang doble kundi triple ang halaga ng mga tiket na ibinebenta sa 27th FIBA-Asia Championship.

Sa laro ng Gilas kontra sa Chinese Taipei, nabenta lahat ng tiket na pawang mga SRO (standing room only) sa iba’t ibang sections.

Sa mga laro sa gabi, ang mga  tiket ay ibinebenta sa P1,500 para sa Patron A, P1,200 para sa Patron B, P800 para sa Lower A, P500 para sa Lower B, P175 para sa Upper B at P100 para sa general admission.

Ang mga tiket sa ge­neral admission ay naibebenta ng P250 sa labas ng arena ilang oras bago ang Gilas-Taipei match na itinakda sa alas-8:30 ng gabi.

 Sa isang popular na online buy-and-sell site, ang Lower A ticket ay nabenta ng P1,500, at ang Patron A seat ay nabili ng P2,000.

 Isang seller ang nag-aalok ng anim na tiket sa VIP box sa halagang P3,500 bawat isa.

 

Show comments