MANILA, Philippines - Inimbitahan ang PilipiÂnas na magpadala ng tatlong rowers sa gaganaÂping 2013 World Rowing Championships sa Chungju, Korea mula Agosto 25 hanggang Setyembre 1.
Pinangalanan ng PhiÂlippine Rowing Association sina Olympian Benjie Tolentino, Alvin Amposta at Edgar Ilas para siyang kumatawan sa prestihiyosong event.
“Ayaw ko na sana magpadala pero pinakiusapan tayo na magpadala ng token rowers kaya tatlo ang ipadadala natin,†wika ni PWA president Benjamin Ramos.
Ito ang ikalawang torÂÂÂneo nina Tolentino at Ilas matapos maglaro sa Southeast Asian Rowing Championships sa Malaysia noong Mayo at pinalad ang dalawa na manalo ng ginto sa doubles scull.
Si Tolentino na 2000 Sydney Olympics veteran, ay kakampanya ngayon sa lightweight single sculls habang sina Ilas at Amposta ang magdadala sa Pilipinas sa lightweight doubles sculls.
Ang paglahok ng tatlong rowers na ito ay bahagi rin ng paghahanda nila para sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.
Limang rowers ang ipinatala ng rowing association sa POC-PSC Task Force SEA Games at ang dalawa ay sina Roque AbaÂla Jr., at Nestor Cordova.
Hindi man nakasama sa World Championships, sina Abala at Cordova ay makakasama ng tatlong kasamahan sa isang buwang pagsasanay sa China.