Gagawin ang lahat para talunin si Pacquiao: Rios gugulatin ang mundo ng boxing

MANILA, Philippines - Inamin ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios na ito pa lamang ang unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon na lalaban siya sa isang kaliweteng boksingerong katulad ni Manny Pacquiao.

“I never fought a southpaw since my fourth pro fight, after that I haven’t fought one so it could be a little bit confusing at first,” sabi ni Rios sa panayam ng Boxing Scene.com.

Ayon sa 27-anyos na si Rios, kaya niyang mag-adjust sa isang southpaw boxer na kagaya ng 34-anyos na si Pacquiao dahil sa tatlong buwan pa niyang paghahanda.

“But once we start getting sparring partners and we start training I can adjust. I can adapt to anything, it will take me like a week to adapt to it but after that I’ll be good,” wika ni Rios.

Maglalaban sina Pacquiao at Rios sa isang non-title, welterweight fight sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, China.

Inaasahang kikita si Rios ng higit sa $3 milyon na siyang pinakamalaking prize money na matatanggap niya sa kanyang nine-year professional career.

“I almost started crying because a poor Mexican like me, a kid coming from a trailer is fighting one the biggest superstars in the world, one of the best pound for pound fighters in the world,” dagdag pa ni Rios.

Ngunit hindi lamang ang premyo ang gustong ma­kamit ni Rios, kundi ang pagkilala sa kanya sa ibabaw ng boxing ring.

At gagawin niya ang lahat para talunin si Pacquiao.

“I’ll be ready to show the world, I’ve got to shut up everybody who doubts me and everybody who’s always saying I’m just a punching bag. I’m going to shut them up, I’ve done it once and I’ll do it again,” ani Rios.

Kahapon ay nagtungo sina Pacquiao at Rios sa Singapore kung saan sila nagdaos ng isang commercial shoot.

Mula sa Singapore ay dadalhin ang promotional tour nina Pacquiao at Rios sa Connecticut, New York at Los Angeles, California.

Show comments