MANILA, Philippines - Napagtagumpayan ni Jessabelle Pagaduan ang pinuntiryang Philippine Games and Amusement Board (GAB) female minimuweight title nang patulugin si Carleans Rivas sa tampok na sagupaan sa ‘Rumble in Parañaque’ paboksing na ginawa kamakalawa sa San Dionisio covered court sa Parañaque City.
Hindi na natapos ang ikatlong round at natigil ang laban nang idineklarang paÂnalo ang 28-anyos at kaliweteng si Pagaduan.
Nanatiling walang talo si Pagaduan matapos ang anim na laban at si Rivas ang ikaapat na bokÂsiÂngerang natulog sa kanyang kamao.
Nakabawi rin siya sa huling laban kontra kay Lady Love Sampiton na naÂuwi sa majority draw dahil hindi naabot ni Pagaduan ang itinakdang timbang sa kanilang weigh-in.
Ito ang unang pagkatalo ni Rivas matapos ang anim na laban na kinatampukan ng tatlong draw.
Samantala, nanalo si super bantamweight RiÂchard Pumicpic laban kay Richard Betos sa labang inilagay sa 10-rounds.
Dominado ng 23-anyos tubong Sindangan, Zamboanga del Norte na si Pumicpic ang sagupaan tungo sa unanimous decision nang ibigay nina judges Jerrold Tomeldan, Salvador Lopez at Romeo Yulo ang 96-94, 98-92 at 99-91 panalo.
Ika-13 panalo ito sa 20 laban ni Pumicpic, ang WBC Youth Silver bantamweight champion habang ikapitong pagkatalo sa 28 laban ang nangyari sa 26-anyos na si Betos.
“It’s a good win for PuÂmicpic and we will arrange possible title shot for PuÂmicpic if possible,â€wika ni Anson Tiu Co ng Shape Up Boxing Promotion na siyang promoter ng laban.
Nauwi naman sa tabla ang bakbakan nina Daniel Fererras at Eden Sonsona habang ang ibang resulta sa mga undercardsna pinagwagian ni Ronelle Fererras na humirit ng KO kay Michael Landero; si Jeffrey Cerna ay may majority decision win laban kay Jaymart Toyco, si Bebong Manalo ay umani ng majority decision win kay Eljohn Evangelista at si Eric Panza ay nanalo rin ng unanimous decision laban kay Illustrado Besmanos.