^

PSN Palaro

Mapasama sa Myanmar Sea Games Football teams may-pag-asa pa

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahinga ng maluwag si Philippine Football Fede­ration (PFF) president Maria­no Araneta nang itak­da ng POC-PSC Task Force SEA Games ang petsang Agosto 7 para maipakita niya kung bakit dapat na maisama ang football team sa mga mag­lalaro sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.

“Nagkaroon pa kami ng oxygen,” nakangiting sinabi ni Araneta matapos ang POC General Assembly kahapon sa Manila Golf Club sa Makati City.

May kumpiyansa naman siya na malinaw ni­yang maipapahayag sa Task Force ang kaha­lagahan na makapaglaro ang kalalakihan at kababaihang football teams bukod pa sa dalawang koponan sa futsal sa magaganap na pagpupulong.

“Magaling naman ang mga teams natin and we have been preparing them for a long time. Isa pa, wala ng ibang tournament na puwedeng salihan ang men’s team at ang futsal teams kung SEA competition ang pag-uusapan,” wika ni Araneta.

Ang aksyon sa men’s football ay bukas para sa U-23 lamang pero ang Pambansang koponan ay lalaban sa medalya sabi pa ni Araneta dahil may mga Fil-foreigners din ang magpapalakas dito.

“Kung hindi sila maipa­padala, paano na ang mga sumusuporta tulad ng Suzuki na nagsasagawa ng U-23 tournament para makadiskubre ng mga manlalaro,” ani  Araneta.

Ang men’s at women’s team ay binubuo ng tig-20 manlalaro habang tig-14 naman ang kakatawan sa male at female futsal teams.

Nais ng PFF na papondohan sa PSC ang ka­­nilang partisipasyon pero handa rin silang maghanap ng sariling pondo para ma­kalaro sa Myanmar kung masasama sa de­legasyon.

vuukle comment

AGOSTO

ARANETA

GENERAL ASSEMBLY

MAKATI CITY

MANILA GOLF CLUB

MYANMAR

PHILIPPINE FOOTBALL FEDE

SHY

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with