Coaches at trainers maraming natutunan

MANILA, Philippines - Sulit ang oras na iginugugol ng mga coaches at trainers sa isinasagawang Series II Sports Science Seminar sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nasa 407 ang bilang ng mga nakikinig sa seminar na ibinibigay ng mga speakers na sina Jason Glass at Janet Alexander at kontento sila dahil malinaw na naipapaintindi ng mga dayuhan ang mga topics na tinatalakay.

Ang seminar na handog ng Philippine Sports Commission (PSC) ay panga­lawa matapos dalhin sa bansa si Milo Bryant noong Pebrero.

Marami ring natutunan ang mga dumalo sa unang seminar pero seryoso si Bryant sa kanyang mga pananalita at mabilis ang pacing dahil sa dami ng impormasyon na nais na ipaabot sa mga nakikinig.

Magtatapos ngayon ang seminar at sosolohin ni Alexander ang pana­nalita dahil usapin sa women athletes ang pag-uusapan.

Kinahapunan ay isasa­gawa ang closing ceremony at bibigyan ng certificate of attendance ang mga dumalo.

Show comments