^

PSN Palaro

Orcollo isinuko ang US Open crown

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasayang ang maagang pamamayagpag ng nagdedepensang kampeon na si Dennis Orcollo nang makawala ang seven-rack lead tungo sa 13-10 pagyuko kay Rodney Morris sa US Open 10-ball Championship na natapos kahapon

Lumayo si Orcollo sa 9-2 sa race-to-13 finals pero nanlamig ito at isa na lamang ang naipanalo sa huling 12 racks na pinaglabanan.

Inisa-isa ni Morris, tumapos sa 13th puwesto noong nakaraang taon, ang rack na hinarap at unang pang nakarating sa hill, 12-10.

Nabigyan pa ng pagkakataon si Orcollo na makadikit sa isa nang magmintis sa huling 10-ball si Morris pero wala na ang puslo sa pagtumbok ng Filipino cue-artist dahil sumablay din ang tirang madalas niyang naipapasok para ibigay ang korona kay US playerat $15,000.00 unang gantimpala.

Ang panalo ang kumum­pleto sa undefeated run ni Morris at ang iba pang bigating manlalaro na kanyang pinataob ay sina Lee Van Corteza (9-2), Jia Qing Wu (9-4), Dennis Grabe (9-3), John Morra (9-3), Marc Vidal (9-3) at Thorsten Hohmann (9-8).

DENNIS GRABE

DENNIS ORCOLLO

JIA QING WU

JOHN MORRA

LEE VAN CORTEZA

MARC VIDAL

ORCOLLO

RODNEY MORRIS

THORSTEN HOHMANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with