Nagsanay din sa New Zealand China determinadong maidepensa ang titulo

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. Gilas Pilipinas

vs Kazakhstan

 

MANILA, Philippines - Kagaya ng Gilas Pilipinas II, nagtungo rin ang China sa New Zealand bilang paghahanda sa 27th FIBA-Asia Men’s Cham-pionships na nakatakda sa Agosto 1-11 sa Manila.

Ang New Zealand, kasalukuyang No. 20 sa FIBA world ranking, ang huling makakalaban ng China sa kanilang mga tune-up matches matapos ang Australia, Ukraine, Argentina, Puerto Rico, Germany, Nigeria, Macedonia, Montenegro at Iceland.

Nakatakdang labanan ng Chinese ang Tall Blacks kagabi sa Taiyuan at ang Louyan bukas bago dumiretso sa Manila para idepensa ang kanilang Asian crown na kanilang nakuha sa Wuhan, China noong 2011.

Kinailangan rin ng Gilas na bumiyahe sa New Zealand para sa isang tune-up match sa Tall Blacks, naghahanda sa kanilang continental (Oceania) eliminator para sa 2014 FIBA World Cup.

Bago ang kanilang two-game duel meet sa New Zealand, winalis ng China ang kanilang mga laro sa isang four-nation joust laban sa mga European teams na Macedonia, Iceland at Montenegro.

Giniba ng 15-time FIBA-Asia champion ang Macedonia, 80-60; Iceland, 60-48; at Montenegro, 77-74.

Binanderahan ni Yi Jian­lian ang Chinese laban sa Montenegro mula sa kanyang 27 points at 18 rebounds.

 Nagdagdag naman sina Zhou Peng at Wang Zhelin ng tig-10 points.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Gilas Pilipinas at PBA Selection.

Sunod na sasagupain ng tropa ni coach Chot Re­yes ang koponan ng Kazakhstan sa pagtatapos ng kanilang exhibition match.

Show comments