MANILA, Philippines - Imbes na alalahanin kung anong koponan ang isasabak sa men’s basketball tournament ng darating na 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa DisÂyembre, mas dapat tutukan ng Philippine Olympic Committee at ng Philippine Sports Commission ang ibang sports na naÂngangailangan ng tulong.
Ito ang reaksyon kahaÂpon ni Samahang Basketbol ng Pilipinas treasurer Dr. Jay Adalem matapos ang pagpipilit ni POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. na ang Gilas Pilipinas II ang dapat isabak ng SBP sa 2013 Myanmar SEA Games.
“I think may iba pang mga sports diyan na kailaÂngan ng tulong nila kagaya ng football imbes na isipin nila ang basketball,†wika ni Adalem ng St. Clare at kasalukuyang chairman ng National Athletic Association of Schools, ColleÂges and Universities (NAASCU).
Kamakalawa ay sinabi ni Cojuangco na ang pagÂpapadala ng SBP sa MyanÂmar SEA Games ay gagarantiya sa bansa ng gintong medalya.
Ngunit ayon kay AdaÂlem, isang ‘over kill’ na kung ang Gilas II ni head coach Chot Reyes ang isasabak ng SBP sa naturang biennial event.
“Hindi natin kailangan ng sobrang lakas na team sa SEA Games. Lalung-lalo na sa PBA na may conflict sa kanilang schedule,†wika ni Adalem.
“Tayo naman ever since have been winning the gold medal in SEA Games with collegiate players.â€
Sa 2011 SEA Games sa Jakarta, Indonesia, inangkin ng isang all-amateur squad na ginabayan ni coach Norman Black, ang gintong medalya laban sa ibang bansang nagparada ng ilang professional plaÂyers mula sa Asean Basketball League (ABL).
Samantala, nakatakda namang buksan ang 13th season ng NAASCU sa Agosto 13 sa Makati Coliseum.
Kabuuang siyam na koÂponan ang matutungÂhayan sa torneo kung saan magbabalik sa liga ang University of Makati at ang Lyceum of Subic Bay, habang idinagdag naman ang Polytechnic University of the Philippines.