Basketball, boxing at volleyball tatalakayin sa PSA

MANILA, Philippines - Ang bagong season ng National Athletic As­socia­tion of Schools, Colleges and Universities (NA­ASCU) ang tatalakayin nga­­yong umaga sa PSA Fo­rum sa Shakey’s Malate.

Ang NAASCU ay pa­ngu­ngunahan sa sesyong isa­saere sa DZSR Sports Ra­dio 918 at inihahandog ng Shakey’s at ng Philippine Amusements and Ga­ming Corporation nina league president Dr. Vic San­tos ng host school Fa­tima, chairman Dr. Jay Ada­lem ng St. Claire at sec­retary at coach Pepe San­chez.

Dadalo din sa forum si sportsman-businessman Anson Tiu Co at ang parti­sipante ng Petron Ladies Beach volleyball tournament.

Tatalakayin ni Co ang kan­yang boxing card sa Sa­bado sa Parañaque Ci­ty tampok si Eden Sonso­na at isang espesyal na wo­men’s Philippine title bout.

Ilalahad ni volleyball or­ga­nizer Tisha Abundo ang third leg ng Petron Ladies Beach series.

 

Show comments