MANILA, Philippines - Sasagupain ng Gilas PiÂlipinas ang isang PBA SeÂlection bukas sa MOA AreÂna sa Pasay City at ang Kazakhstan sa Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.
Ngunti mas inaabaÂngan ang laban ng Gilas II sa Kazakhstan.
Ang Kazakhstan ang poÂsibleng makaharap ng NaÂtionals sa quarterfinal round ng darating na 27th FIBA-Asia Men’s ChamÂpionÂships na nakatakda sa Agosto 1-11 at ilalaro sa MOA Arena at sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang Kazakhstan ay pamumunuan ni Euro League veteran Jerry Jamar ‘Triple J’ Johnson.
Si Johnson ang star guard ng Astana team sa Kazakhstan league.
Ang Rider University Hall of Famer ay gumawa ng pangalan sa Euro basÂketball mula sa kanyang paglalaro sa Turkey, France, Belgium, Lithuania at Kazakhstan.
Naglaro si Johnson sa Europe matapos mabiÂgong mapasama sa line-up ng Los Angeles Clippers noÂong 2006 NBA season.
Kasama ng GÂilas II sa Group B ang JorÂdan, ChiÂnese-Taipei at Saudi AraÂbia, habang kabilang ang KaÂzakhstan sa Group D bukod pa sa Bahrain, India at Thailand.
Inaasahang aabante ang dating Russian republic sa knockout stage kung saÂan nila makakalaban ang NaÂtionals.
Ang Kazakhstan ang No. 1 team mula sa Central Asia na nagtapos na ikatÂlo sa nakaraang Asian Games at ikaapat sa FIBA-Asia Championship.
Binigo na ng Pilipinas ang Kazakhstan noong 1998 Bangkok Asiad para sa bronze medal.
Subalit nakabawi ang KaÂzakhs sa mga Pinoy maÂkaraang angkinin ang tansong medalya sa sumunod na Asiad sa Busan, Korea.
Noong 2007, dalawang beses tinalo ng Kazakhs ang mga Pinoy sa Jones Cup sa Taipei.
Sa sumunod na FIBA-Asia meet sa Tokushima, JaÂÂpan, nabigo ang bansa na makalagpas sa preliÂmiÂnary round, habang naÂkaÂlaro naman ang KaÂzakhsÂtan sa semifinals.
Tumapos sila bilang No. 9 noong 2009 sa Tianjin at hindi nakalaro sa Wuhan.