^

PSN Palaro

Johnson ibabandera ng Kazakhs laban sa Gilas Pilipinas sa Biyernes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasagupain ng Gilas Pi­lipinas ang isang PBA Se­lection bukas sa MOA Are­na sa Pasay City at ang Kazakhstan sa Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

Ngunti mas inaaba­ngan ang laban ng Gilas II sa Kazakhstan.

Ang Kazakhstan ang po­sibleng makaharap ng Na­tionals sa quarterfinal round ng darating na 27th FIBA-Asia Men’s Cham­pion­ships na nakatakda sa Agosto 1-11 at ilalaro sa MOA Arena at sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang Kazakhstan ay pamumunuan ni Euro League veteran Jerry Jamar ‘Triple J’ Johnson.

Si Johnson ang star guard ng Astana team sa Kazakhstan league.

Ang Rider University Hall of Famer ay gumawa ng pangalan sa Euro bas­ketball mula sa kanyang paglalaro sa Turkey, France, Belgium, Lithuania at Kazakhstan.

Naglaro si Johnson sa Europe matapos mabi­gong mapasama sa line-up ng Los Angeles Clippers no­ong 2006 NBA season.

Kasama ng G­ilas II sa Group B ang Jor­dan, Chi­nese-Taipei at Saudi Ara­bia, habang kabilang ang Ka­zakhstan sa Group D bukod pa sa Bahrain, India at Thailand.

Inaasahang aabante ang dating Russian republic sa knockout stage kung sa­an nila makakalaban ang Na­tionals.

Ang Kazakhstan ang No. 1 team mula sa Central Asia na nagtapos na ikat­lo sa nakaraang Asian Games at ikaapat sa FIBA-Asia Championship.

Binigo na ng Pilipinas ang Kazakhstan noong 1998 Bangkok Asiad para sa bronze medal.

Subalit nakabawi ang Ka­zakhs sa mga Pinoy ma­karaang angkinin ang tansong medalya sa sumunod na Asiad sa Busan, Korea.

Noong 2007, dalawang beses tinalo ng Kazakhs ang mga Pinoy sa Jones Cup sa Taipei.

Sa sumunod na FIBA-Asia meet sa Tokushima, Ja­­pan, nabigo ang bansa na makalagpas sa preli­mi­nary round, habang na­ka­laro naman ang Ka­zakhs­tan sa semifinals.

Tumapos sila bilang No. 9 noong 2009 sa Tianjin at hindi nakalaro sa Wuhan.

 

ANG KAZAKHSTAN

ANG RIDER UNIVERSITY HALL OF FAMER

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIA MEN

ASIAN GAMES

BANGKOK ASIAD

CENTRAL ASIA

KAZAKHSTAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with