Good for last?
Kung pagbabatayan ang mga ipinararamdam ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC), kinakailangan ng mga atÂleÂtang Pilipino ng napakahusay at extraordinary na perÂformance para matakasan ang napipintong pagbagÂsak sa huling puwesto sa Myanmar SEA Games.
Hindi naman sa nagpapaka “doomsayer†o negative ang inyong lingkod pero kung pagbabasehan ang lisÂtahan na inihatag ng mga National Sports Association (NSAs), hindi ito sapat upang iangat ang Pilipinas sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa DisÂÂyemÂbre.
Bagama’t mahirap na tanggapin na sa ikapitong puÂwesto lalagpak lamang Pilipinas, ito ay tila nakatadhaÂna na.
Nariyan ang bagay na hindi full team ang ipadaÂdaÂla sa SEA Games kung hindi limitado lamang. At baÂgama’t ang criteria ay gold medalists sa nakaraang SEA Games noong 2011, hindi pa rin ito sapat upang iaÂngat ang kampanya ng bansa.
Maging si PSC Chairman Richia Garcia ay nagsabing “We’ll most likely end up No. 7 in the SEA Games. But to be able to overcome that, we have to perform exceptionally well in all sports that we will compete in.â€
Pang-anim ang Pilipinas noong 2011 SEA Games sa Indonesia. Sa Burma ang ikapitong puwesto noon.
Pero sa SEA Games ngayong taon, may 40 events ang tinanggal ng host Myanmar upang mapalaki ang kaÂnilang tsansa na manalo sa SEA Games.
Ang top five overall placing ay inaasahan na naÂting pagÂlalabanan ng Thailand, Vietnam, Indonesia, MaÂlayÂsia at Singapore.
Ang Pilipinas ay kumuha ng 36 gold, 56 silver at 77 bronze medals noong 2011. Upang mapanatili ng Pilipinas ang ikaanim na puwesto kinakailangang maÂhigitan ng ating mga atleta ang medal tally na ito.
Bukod kasi sa14 gold medals na natanggal, marami ring mga events ang hindi masasalihan ng Pilipinas na laÂlaban lamang sa 28 sports.
Ganoon pa man, hindi pa rin ibig sabihin ay titigil na taÂyo sa paglaban.
Siyempre fight ‘till the end.
- Latest