^

PSN Palaro

Dysam nasa stable condition na matapos mabaril

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa stable condition na si point guard Franz Dy­sam ng Letran College matapos pau­la­nan ng bala ng riding in tandem sa may panulukan ng N. Domingo at Araneta Avenue noong Sabado ng gabi.

“He is scheduled for ope­ration tomorrow to remove four bullets in his bo­dy,” wika ng NCAA sa ka­nilang official statement ka­hapon.

Hindi ibinunyag ng Letran administrators kung sa­ang ospital ginagamot si Dysam, binabantayan ngayon ng dalawang pulis at isang Letran personal security.

Dumating na ang ina ni Dysam mula sa Cebu.

Nagkaroon na ng malay si Dysam at alam na ang pagkamatay ng kanyang nobyang si Joanne Sor­dan.

Isinalang ni Dysam ang kanyang sarili para sa kapakanan ng kanyang nobya kung saan siya nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan.

Bagamat isang bala la­mang ang tumama kay Joanne ay naging malubha naman ito at idineklarang dead-on-arrival sa unang ospital na pinagdalhan sa ka­nila.

Ligtas naman ang ka­nilang tatlong buwan na anak.

Pinag-aaralan na ng pu­lisya ang CCTV footage na nakakuha ng nasabing insidente.

“Letran officials pray for the speedy recovery of Franz and wish for the fast resolution of the case” pa­hayag ng NCAA.

Samantala, hangad na­man ng Perpetual ang ka­nilang ikatlong sunod na panalo at pagsalo sa three-time champions na San Beda sa pakikipagharap sa Mapua ngayong alas-6 ng gabi sa first round ng 89th NCAA men’s basketball tournament The Arena sa San Juan City.

Sa unang laro sa alas-4 ng hapon ay magtatagpo naman ang San Sebastian at ang Emilio Aguinaldo College.

Nanggaling ang Altas sa 73-66 panalo kontra sa Arellano Chiefs kung saan umiskor si rookie Juneric Baloria ng 21 points.

Kasalukuyang tangan ng Letran ang liderato mula sa kanilang 5-0 record kasunod ang San Beda (5-1), Perpetual (4-1), Jose Rizal (3-3), Lyceum (2-3), Arellano (2-3), Mapua (1-4), EAC (1-4) at St. Benilde (0-5).

vuukle comment

ARANETA AVENUE

ARELLANO CHIEFS

DYSAM

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FRANZ DY

JOANNE SOR

LETRAN

SAN BEDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with