MANILA, Philippines - Sinilat ng Korea ang defending World champion Chinese Taipei habang napagtagumpayan ng Pilipinas na maidepensa ang South East Asia title sa pagtatapos kahapon ng PONY League Asia-Pacific Regional Qualifier sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Kinuhanan ng mahalagang strikeout ni Korean pitcher Kim Dae Han si Cho Wei para sa ikatlo at huling out sa laro upang kunin ang Aspac title sa 6-5 dikitang labanan.
Ang strikeout ay nangyari matapos manakot ang Taiwanese batters na itabla ang laro dahil nasa sÂecond base si Han Lau Wei para kunin ng Korea ang unang pagkakataon na makalaro sa World Series na gagawin sa Los Alamitos, California sa Agosto 1 hanggang 4.
“We won because of team work. Kim is also our best pitcher and he pitched well,†wika ni Korean coach Lee Hae Jun sa pamamagitan ng interpreter.
Outhitted ng Koreans ang Taiwanese team, 9-6, at pinagningning ni leadoff batter Kim Geon Woo ang pagpalo ng una nang maka-homerun para katampukan ang 2-0 ginawa sa unang inning.
Nakalamang ang Taiwan matapos ang kumpletong second inning nang umiskor sila ng tatlo pero bumawi ang Korea sa fourth sa apat na runs.
Binawi ni Cheng Yi Hsuan ang homerun na kinuha ng Korea sa kanyang sariling round-tripper para paiskorin din si Wei na naka-triple at tapyasan ang kalamangan sa isa, 6-5.
Dalawang beses na natigil ang laro dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan pero hindi nawala ang momentum sa Korea hanggang sa huli para magkaroon ng tsansang maging world champion.
Bagama’t hindi kasing laki ang pinaglabanang titulo, nakasama din ang host country sa nagdiwang matapos ang 12-0 dominasyon sa Indonesia tungo sa ikalawang sunod na South East Asia title.
May 12 hits ang HabaÂgat sa mga pitchers ng Indonesia na nagtala rin ng 13 errors sa seven-inning game.
Dahil sa mga errors ng Indonesia, ang Pilipinas ay nagkaroon ng 10 unearned runs.