MANILA, Philippines - Gumawa ng mga pagbabago ang NAMSSA para mapaganda pa ang Speedworld Motocross Circuit sa SM Bicutan sa Parañaque City.
Naglagay ng state-of-the art sprinkler system para mabawasan ang aliÂkabok kapag mainit ang panahon habang sinimento rin ang ‘take-off turf’ na katabi ng starting gat para matulad sa ginagamit na aparato sa world-level motocross events.
Ang mga pagbabagong ito sa Speedworld ay mararamdaman ng mga motoÂcross riders sa paglarga ng 2013 NAMSSA National Motocross Development Program sa Linggo.
Gagawin din sa unang pagkakataon ang labanan sa Honda XRM class para sa mga underbone-motocross riders.
Ang tumutulong sa NAMSÂSA sa event na may basbas ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) ay SM City Bicutan, Repsol, Asia Brewery Inc., Otto Shoes, Yamaha Motor Philippines Inc., Suzuki Philippines Inc., Honda Philippines Inc., OAS, JBS, GCG Pipes, Shaders Glass & Aluminum Products, Topmaster, Danna Trading, Foilacar, City of Puerto Princesa at City of Parañaque.
Sa mga nagnanais na makakuha pa ng karagdagang detalye sa 2013 NAMSSA National MotoÂcross Development Program ay maaari silang bumisita sa www.namssa.com o sa kanilang Facebook Page.