^

PSN Palaro

Upgraded track para sa NAMSSA moto races handa na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gumawa ng mga pagbabago ang NAMSSA para mapaganda pa ang Speedworld Motocross Circuit sa SM Bicutan sa Parañaque City.

Naglagay ng state-of-the art sprinkler system para mabawasan ang ali­kabok kapag mainit ang panahon habang sinimento rin ang ‘take-off turf’ na katabi ng starting gat para matulad sa ginagamit na aparato sa world-level motocross events.

Ang mga pagbabagong ito sa Speedworld ay mararamdaman ng mga moto­cross riders sa paglarga ng 2013 NAMSSA National Motocross Development Program sa Linggo.

Gagawin din sa unang pagkakataon ang labanan sa Honda XRM class para sa mga underbone-motocross riders.

Ang tumutulong sa NAMS­SA sa event na may basbas ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) ay SM City Bicutan, Repsol, Asia Brewery Inc., Otto Shoes, Yamaha Motor Philippines Inc., Suzuki Philippines Inc., Honda Philippines Inc., OAS, JBS, GCG Pipes, Shaders Glass & Aluminum Products, Topmaster, Danna Trading, Foilacar, City of Puerto Princesa at City of Parañaque.

Sa mga nagnanais na makakuha pa ng karagdagang detalye sa 2013 NAMSSA National Moto­cross Development Program ay maaari silang bumisita sa www.namssa.com o sa kanilang Facebook Page.

vuukle comment

ALUMINUM PRODUCTS

ASIA BREWERY INC

CITY BICUTAN

CITY OF PARA

CITY OF PUERTO PRINCESA

DANNA TRADING

DEVELOPMENT PROGRAM

FACEBOOK PAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with