Pinaamo ang Bulldogs Tamaraws ‘di mapigil

 Laro sa Sabado

(MOA Arena, Pasay City)

2 p.m. La Salle vs UE

4 p.m. Adamson vs NU

 

MANILA, Philippines - Wala pa ring nakaka­pigil sa pagragasa ng Ta­maraws.

Nagtala ng 15 three-point shots, dumiretso sa kanilang pang-limang sunod na panalo ang Far Eastern University matapos talunin ang National University, 87-83, sa first round ng 76th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

“I think we have to learn from this game. We started really nice but we did not finish well in the end,” sabi ni rookie head coach Nash Racela sa Tamaraws na nagtayo ng isang 20-point lead, 68-48, sa pagtatapos ng third period.

Naidikit ng Bulldogs ang laro sa 80-84 agwat mula sa drive ni Jeff Javillonar sa huling 23.4 segundo sa final canto.

Huling nakalapit ang NU sa 83-85 buhat sa isang 3-pointer ni Robin Rono sa natitirang 8.8 segundo bago selyuhan ni Terrence Romeo ang panalo ng FEU buhat sa kanyang dalawang free throws sa nalalabing 5.5 segundo.

Tumapos si Romeo na may 24 points, tampok dito ang anim na tres, 5 assists at 3 rebounds para banderahan ang Tamaraws.

Itinaas ng FEU ang kanilang record sa 5-0.

Sa unang laro, pinigil naman ng Red Warriors ang Blue Eagles sa puntirya nitong back-to-back wins matapos iposte ang 72-68 panalo upang makabangon sa isang two-game losing skid. (RCadayona)

UE 72: Mammie 20, Sumang 14, Alberto 14, Casajeros 8, Noble 7, Olivares 5, Santos 2, Javier 2.

Ateneo 68: Tiongson 17, Pessumal 12, Ravena 11, Newsome 10, Elorde 5, Golla 4, Buenafe 4, Erram 3, Asunscion 2, Tolentino 0, Lim 0.

Quarterscores: 18-12; 37-31; 54-54; 72-68.

FEU 87 - Romeo 24, Cruz 13, Mendoza 10, Garcia 9, Tolomia 7, Belo 6, Pogoy 5, Sentcheu 4, Inigo 3, Jose 2, Hargrove 2, Dennison 2.

NU 83 - Mbe 27, Parks 26, Rono 9, Khobuntin 8, Javillonar 7, Villamor 2, Rosario 2, Alolino 2, Porter 0,.

Quarterscores: 28-16; 45-36; 68-48; 87-83.

Show comments