2k jins sisipa sa SMART nat’l taekwondo championships

MANILA, Philippines - Isasagawa ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang pinakama­laking national team event sa Hulyo 20-21 sa paglarga ng 37th SMART championships sa Rizal Memorial Coliseum.

Tinatayang nasa 2,000 jins mula sa iba’t ibang PTA chapters sa buong ban­sa ang maglalaro sa kompe­tisyong suportado ng SMART Communications Inc., PLDT, Meralco, TV5, MILO, Philippine Sports Commission at MVP Sports Foundation.

Bukas din ang aksyon sa hanay ng Pambansang koponan para patingkarin ang labanan sa kalalakihan at kababaihan sa senior, junior, cadet at grade school divisions.

Ang bagong luklok na si Senadora Grace Poe, isang taekwondo blackbelter at dating mag-aaral ni Organizing Committee chairman at Grandmaster Sung Chon Hong, ang magiging panauhing panda­ngal sa opening ce­remomy sa ganap na ala-1 ng ha­pon sa Hulyo 21.

Imbitado rin sina POC president Jose Cojuangco Jr., PSC Chairman Ricardo Garcia, PSC Commissio­ner Wigberto Clavecilla at mga opisyal ng SMART, MVPSF at MILO.

Show comments