MANILA, Philippines - Titulo sa Philippine minimumweight division ang isa sa tatlong tampok na laban na handog ng Shape-Up Boxing Promotions na gagawin sa Hulyo 27 sa TresÂton College Gymnasium sa Taguig City.
Sina Carleans Rivas at Jesebelle Pagaduan ang siyang magtutuos sa titulo sa 105-pound division na inilagay sa 10-rounds.
Ang dating two-time world title challenger na si Bernabe Concepcion ay mapapalaban kay Richard Betos habang sina Daniel Ferreras at Eden Sonsona ay magtutuos din para maÂkumpleto ang mga main event sa paboksing na ito ni Anson Tiu Co.
Wala pang talo sa liÂmang laban si Pagaduan at ito ang ikalawang pagtatangka niya para mahawakan ang titulo.
Lumaban ang 28-anÂyos at tubong Benguet na si Pagaduan kay Lady Love Sampiton noong Mayo 18 at nanalo siya sa majority decision.
Nakataya ang bakanteng minimumweight title pero hindi ito naibigay kay Pagaduan dahil pumasok siya sa laban lampas sa 105-weight limit.
“Pipilitin kong bumawi ngayon at maiuwi na ang titulo,†ani Pagaduan nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan.
Si Rivas ay may 2 panalo at tatlong draw karta at papasok sa laban mula sa dalawang tablang laban.
Determinado siyang talunin si Pagaduan lalo pa’t may pangako ang promoter na si Co na biyahe patungong Japan o Korea sa mananalo.
Gagamitin ni Rivas ang kanyang height advantage dahil may taas siyang 5’5 laban kay Pagaduan na nasa 5-feet lamang.
May apat pang six-rounders at dalawang four-rounders ang kukumpeto sa fight card na ito.