^

PSN Palaro

Howard pormal ng ipinakilala sa Rockets

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging ‘Superman,’  si Dwight Howard ay makikilala na bilang ‘Rocket Man’ matapos kunin ng Houston Rockets para sa papasok na NBA season.

“It means a lot to me just to have a fresh start and have an opportunity to write my own story,” wika ni Ho­ward matapos tawagin sa bago niyang nickname ng mga bagong kakampi sa pormal na pagpapakilala sa kanya bilang bagong miyembro ng Rockets.

Apat na taon na kontrata na nagkakahalaga ng $88 milyon ang ibinigay ng Houston sa  6’11 center na nagsimula sa NBA sa koponan ng Orlando Magic.

Ito ay malayo sa alok na $118 milyon para manatili siya sa Los Angeles Lakers pero masaya ang dating Orlando Magic na manla­laro sa desisyon.

“I don’t think people understood the fact that I got traded to L.A. and now I had a chance to really choose my own destiny, and this is the place where I chose and I’m happy about it,” pahayag pa ni Howard.

Nakasama sa mga sumaksi sa pormal na pagpapakilala kay Howard ang mga dating pambatong sentro ng Rockets na sina Hakeem Olajuwon at Yao Ming bukod pa kina Ralph Sampson, Clyde Crexler at Elvin Hayes.

CLYDE CREXLER

DWIGHT HOWARD

ELVIN HAYES

HAKEEM OLAJUWON

HOUSTON ROCKETS

HOWARD

LOS ANGELES LAKERS

ORLANDO MAGIC

RALPH SAMPSON

ROCKET MAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with