MANILA, Philippines - Panalong naitala sa huÂling pagkikita ang sinasandalan ng Philippine HaÂbagat sa kanilang pagbangga sa Far East Russia sa pagbubukas ngayon ng PONY League Asia-Pacific Regional Qualifiers sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Ang tagisan ay magÂsiÂsiÂmula sa ganap na alas-11:30 ng tanghali at may kumpiyansa ang pamunuan ng Habagat na magandang panimula ang makukuha ng host country sa anim na bansang kompetisyon sa Bronco division (11-12).
“Tinalo natin sila last year sa China at huwag lang tayo gugulatin, tulad ng pagdadala ng Russia ng mas malakas na plaÂyers, kaya natin sila,†wika ni coach Mike Ochosa.
Magkagrupo ang Pilipinas, Far East Russia at Japan habang ang Chinese Taipei, Korea at Indonesia ang magkakasama at ang dalawang mangungunang koponan sa magkabilang pangkat ang magtutuos sa cross-over semifinals.
Hanap ng Pilipinas na higitan ang fourth place na naitala sa huling edisyon bukod pa sa pagpapanatili sa Southeast Asia title na paglalabanan ng Habagat, Indonesia at Far East Russia.
Ang defending world champion Chinese Taipei ay haharap sa double-header at unang laro nila ay laban sa Indonesia sa ganap na alas-8 ng umaga bago bumalik dakong ala-1 ng hapon kalaban ang Korea.
“May anim tayong pitÂchers pero puwede ko pang palawigin ito sa pito. Noong September pa kami naghahanda at tingin ko ay lalaban tayo,†dagdag ni Ochosa na makakatulong sa pagdiskarte sina Ronnie Lugay at Chris Canlas.
Ang tatanghaling kampeon sa apat na araw na torneo ang kakatawan sa Asia Pacific sa World Series sa Los Alamitos, CaÂlifornia mula Agosto 1 hangÂgang 4.