^

PSN Palaro

Warning kina Teng, Javillonar Mammie suspendido ng 1-laro

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbayad ng UAAP Commissioner’s Office si Charles Mammie ng UE  ng one-game suspension matapos makitang tinulak at sinipa si Roider Cabrera ng Adamson matapos ang laro ng dalawang koponan noong Miyerkules.

Sa review ng larong napanalunan ng Falcons, 78-71, napatunayan na ang aksyon ng 6’8 na si Mammie ay may inten-­ s­yon para makapanakit ng kapwa manlalaro kaya’t pinatawan ng kaparusahan kahit hindi ito napansin ng mga referees dahil tapos na ang labanan.

Suspendido si Mammie sa laro laban sa UST sa Sabado dahil ito ang ika­la­wang warning na ipina­labas ni Commissioner Chito Loyzaga.

Ang una ay nangyari noong Hulyo 8 nang nakita si Mammie na tinuhod at siniko sa ulo si National University center Emmanuel Mbe.

Iniakyat naman ni Loy­zaga sa unsportsmanlike fouls ang mga naitawag kay Jeoffrey Javillonar ng National University sa laro laban sa UST habang bi­nigyan din ng USF si Jeron Teng ng La Salle sa tagisan laban sa Ateneo.

Si Javillonar ay natawagan ng simpleng foul nang banggain si Jeric Teng pero sa review ay nakitang may intensyon na saktan ang UST guard. Ang kamador ng Tigers ay dumanas ng right shoulder injury dahil sa insidente na nangyari 1:20 sa second period.

Si Jeron ay nakitang sumuntok sa tiyan ni Chris Newsome sa laro ng La Salle at Ateneo.

Binalaan din ni Loyzaga sina Javillonar at Teng na sila ay masususpindi ng isang laro kung matawagan uli ng unsportsmanlike foul.

 

ATENEO

CHARLES MAMMIE

CHRIS NEWSOME

COMMISSIONER CHITO LOYZAGA

EMMANUEL MBE

JEOFFREY JAVILLONAR

JERIC TENG

LA SALLE

NATIONAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with