Manila Bay Clean-Up Run sa Linggo na

MANILA, Philippines - Mahigit 4,500 ang tatakbo sa darating na linggo, ika-14 ng Hulyo, upang tu­mulong sa pagsasalba ng karagatan dito sa atin, bilang kalahok sa 2013 Manila Bay Clean-Up Run, na magsisumula sa tapat ng Aliw Theater sa CCP Complex, lungsod ng Pasay City. 

Alas-4:30 ng umaga ang starting gun para sa 21 km race, na susundan ng  10 km, 5 km at  3km run.

Ang 2013 Manila Bay Clean-Up Run ay bahagi ng mga kaganapan para sa ika-74 anibersaryo ng DZRH, ang flagship station ng Manila Broadcasting Company, na bahagi ng “Sunset” partnership ng iba’t-ibang tanggapang tumutulong sa programa ng Land Bank para linisin ang Manila Bay.   

Ang 2013 Manila Bay Clean-Up Run ay tinatangkilik ng Globe Telecom, Gol­den Oats, 2Go, Alpen Libe, Cobra Energy Drink, M.Lhuillier, Lomotil, at Islands Souvenirs.

Show comments