Sa mga susunod na araw ay muli nating malalaman kung paano ibabalanse ng mga National Sports Associations (NSAs) ang kanilang kagustuhan na magpadala ng kanilang mga atleta at ang national pride.
Ilalatag at sasalain na ng Philippine Sports Commision (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) ang mga listahan ng atleta na nais ipadala ng mga NSAs para sa 27th Southeast Asian Games sa MyanÂmar.
Ayon kay PSC chairman Richie Garcia, inatasan na niya ang mga NSAs na kumuha ng mga gintong medalya sa 2013 Myanmar SEA Games na nakatakda sa Disyembre.
At ito ang sisiguraduhin ng POC at PSC.
Hindi madaling trabaho ang salain ang pinakabuod o ang ‘crème de la crème’ ng Pambansang koponan para sa SEA Games.
Kinakailangang depensahan ng mga NSAs ang kaÂnilang napiling mga atleta na sa ngayon ay nirerebisa na ng POC at PSC.
May inisyal na 180 atleta na isasali para sa 28 sports ang nasa listahan.
Pero kung ang PSC ang tatanungin, maaari pa itong mabawasan.
Katuwiran ngayon ng PSC, mabuti nang magsiguro kaysa sa mag-aksaya ng pera.
Ang dragon boat ay ang may pinakamalaking bilang ng atleta sa 30 na miyembro kasunod ang athletics na may 20 atleta.
Sa pananaw natin ay may punto rin naman ang PSC na limitahan lamang ang mga atletang ilalahok, laÂÂlo na nga at karamihan sa mga sports na ilalatag ng host Myanmar ay kanilang tradisyunal na laro na waÂlang kaalam-alam ang ating mga atleta.
Sina Garcia at POC preÂsident Jose ‘Peping’ CoÂjuangco Jr. ang maÂnguÂnguna sa screening ng mga atleta.
Inaasahan natin na poÂÂsibleng sa Agosto ay may piÂnal na listahan na paÂÂra sa mga atletang ilalahok sa SEA Games.
Bukod sa criteria na taÂnging ang mga 2011 gold medalist lamang ang makakasama sa MyanÂmar SEA Games, kiÂÂnakailangan pa ring paÂtuÂÂnayan ng mga NSAs na maaaring ulitin o dupliÂkaÂhin ang gold medal fiÂnish na ito ng mga atletang kaÂnilang inilagay sa lisÂtahan.
Nararapat lamang ito kung tutuusin upang maÂsiÂguro na tanging mga poÂtensyal na gold medal winÂÂners lamang ang ipapadala sa Myanmar SEA Games.
Lalo na at isa tayo sa mga bansa na nagpahaÂyag ng protesta sa kaÂnilang ginawang paglalagay ng mga sandamakmak na traditional sports.
Kinakailangan nating paÂÂtunayan na kaya tayo nagÂprotesta ay dahil may ibuÂbuga ang ating mga atÂÂleta.