Lady Rising Suns wagi sa Lady Troopers

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. Cignal vs TMS-Army

4 p.m. PCSO-Bingo Milyonaryo vs Cagayan Valley

6 p.m. PLDT-MyDSL vs Petron

 

 

MANILA, Philippines - Pinamunuan ni Jennifer Man­zano ang malakas na paglalaro ng Cagayan Val­ley sa ika-lima at hu­ling set para kumpletuhin ng koponan ang 25-23, 25-27, 26-24, 14-25, 15-12 panalo la­ban sa TMS-Philippine Ar­my sa Philippine Super Liga In­vitational noong Ling­go ng ga­bi sa Philsports Arena sa Pa­sig City.

Ikatlo at huling laro ito sa unang araw ng torneo at ang laro ay tumagal ng dalawang oras at 17 mi­nuto pero may nalalabi pang lakas ang Lady Rising Suns para mamayani sa hu­ling set na pinaglabanan sa loob ng 15 minuto.

Si Manzano ay gumawa ng 22 puntos na kina­tam­pukan ng 17 spikes, ha­bang si Joy Cases ay may­roong 16 hits para ma­kasalo ang Cagayan Valley sa liderato kasama ang Cignal at PLDT-MyDSL.

Nagdomina ang Lady Troopers sa attack department, 63-57.

Ngunit naubos sila sa ma­halagang yugto upang ma­talo kahit nakadikit sa 10-11 sa huling set.

Si Angelique Dionela ay may­roong 26 excellent dig, ha­bang ang team captain na si Wendy Semana, tu­mapos bitbit ang anim na puntos, ay may 44 excellent set bukod pa sa 15 ex­cellent receptions.

Babalik ang aksyon bukas at masusukat ang tropa ni coach Nestor Pamilar sa pagharap sa PCSO-Bingo Mil­yonaryo sa The Arena sa San Juan City.

Si Mary Jean Balse ay may­roong 19 puntos mula sa 14 kills, 3 blocks at 2 aces bukod sa 11 digs para pa­munuan ang natalong ko­ponan.

 

Show comments