Murray tinalo si Djokovic para kunin ang Wimbledon

LONDON -- Isang puntos lamang ang kailangan ni Andy Murray para makamit ang Wimbledon, ang ko­ronang hindi lamang niya hinahangad kundi maging ng kanyang bansa.

Matapos ang 77 taon, na­kamit ng Great Britain ang Wimbledon matapos ta­lunin ng No. 2-ranked na si  Murray si top-seeded No­vak Djokovic ng Serbia, 6-4, 7-5, 6-4.

Tatlong oras ang ki­nailangan ni Murray para igu­po si Djokovic sa Centre Court.

Binalewala ni Murray ang tatlong break points ni Djokovic, at sa kanyang ika­apat na tsansa para ma­kuha ang titulo, isang backhand ang ginawa ni Djo­­kovic kung saan napunta ang bola sa net.

Tapos na ang laro.

Tapos na ang paghihin­tay.

‘’That last game will be the toughest game I’ll play in my career. Ever,’’ sabi ni Murray, ipinanganak sa Dunblane, Scotland at ang unang British man na nagkampeon sa grass-court Grand Slam tournament ma­tapos si Fred Perry no­ong 1936.

‘’Winning Wimbledon - I still can’t believe it. Can’t get my head around that. I can’t believe it,” dagdag pa ng netter.

Ilang seasons nabigo si Murray sa Wimbledon, ha­bang panay naman ang pa­nalo nina Roger Federer, Ra­fael Nadal at Djokovic mu­la sa kinolekta nilang 29 sa 30 Grand Slam titles.

Si Murray ngayon ay isa nang two-time Slam champion matapos ding igu­po si Djokovic sa five sets sa U.S. Open noong na­karaang Setyembre.

Bago ito, natalo si Murray sa apat na major finals, kasama ang kanyang ka­biguan kay Federer sa Wim­bledon noong 2012.

Ngunit binalikan niya si Fe­derer para sa gold medal sa 2012 London Olympics.

‘’You need that self-be­lief in the important moments and he’s got it now,’’ ani Djokovic, isang six-time major champion, kay Murray.

Ipinagdiwang naman ng British press ang panalo ni Murray.

Sa front page ng Daily Mail ay mababasa ang ‘Now it’ll be arise, Sir Andy’  ka­tabi ng larawan kung sa­an hinalikan ng 26-anyos na si Murray ang napanalunan niyang gold trophy.

 

Show comments