LOS ANGELES -- Sa pag-alis ni Dwight Howard sa Los Angeles para lumipat sa Houston, nagkaroon ng inÂteres ang Lakers kay free-agent center Chris Kaman, sabi ng league sources sa Yahoo! Sports.
Ilang koponan na ang nagparamdam ng interes para maÂkuha si Kaman.
Kabilang dito ang Golden State, Atlanta, Sacramento at New York, wika ng sources.
Nag-uusap na ang Lakers at si Kaman, isang seven-footer na nasandalan ng Dallas Mavericks sa nakaraang season.
Ibinuhos ni Kaman ang kanyang walong NBA seasons para sa Los Angeles Clippers bago naglaro para sa Mavericks.
Sinasabing interesado si Kaman na magbalik sa SouÂthern California para samahan ang Lakers.
Ang 31-anyos na si Kaman ay nagposte ng mga averaÂges na 10.5 points at 5.6 rebounds sa kanyang 20 minutes a game para sa Dallas sa 2012-2013 season.
Samantala, inihayag ng Rockets na wala silang plano paÂra i-trade si center Omer Asik matapos nilang makuha si Howard.
Iniulat ng ESPN.com na hiniling ni Asik ang Houston na i-trade siya kapag nahugot nila si Howard, pipirma ng isang four-year, $88 million contract sa Rockets.
“With Omer, he had a great year for us last year and really became one of the top centers in the league,†sabi ni Rockets coach Kevin McHale. “It’s just when you have an opportunity to get Dwight, it’s hard not to. I’m sure Omer right now is a little down in the dumps, but we’ll pick him up.â€
Si Asik ay lumagda ng isang three-year, $25 million conÂtract sa Rockets bilang isang restricted free agent .
Sa kanyang paglalaro sa 82 regular-season games paÂra sa Houston sa 2012-2013 season ay nagtala siya ng mga averages na 10.1 points, 11.7 rebounds at 1.1 blocks.
Sina Howard at Asik ay parehong sentro.
“You do play two bigs,†wika ni McHale kina Howard at Asik. “I’m looking forward to getting together with the team and putting everything together. I feel really comfortable we can compete with anybody.â€