^

PSN Palaro

Fernandez, Cantancio laglag na

Pilipino Star Ngayon

AMMAN, Jordan--Yumukod sina bantamweight Mario Fernandez at lightweight Junel Cantancio sa mabibigat na katunggali upang malagay sa ala­nganin ang paghahabol sa medalya ng Pilipinas sa Asian Elite Men’s Cham­pionships dito.

Hindi napanatili ni Fernandez ng Cagayan de Oro ang magandang pani­mula nang bumigay sa mga palitan nila ni Kazakhs­tan national champion Kairat Yeraliyev sa huling dalawang rounds para lasapin ang 29-28 unanimous decision pagkatalo sa tatlong hurado.

Si Cantancio na sariwa sa pagkapanalo ng pilak sa China Open ay hindi rin kinaya ang beteranong si Ardee Sailom ng Thailand para maging ikatlong boksingero sa limang ipinadala ng ABAP na namahinga na.

Ang 2008 Beijing at 2012 London Olympics vete­ran na si Sailom ay gu­mamit ng kanyang lakas para madomina ang laban tungo sa unanimous decision panalo laban sa 27-anyos na si Cantancio.

Bunga ng pangyayari, sina 2010 Guangzhou Asian Games Rey Saludar at baguhang Rogen Ladon na lamang iaasa ang hanap na medalya sa kompetisyong nilahukan ng 27 bansa.

Kalaban ni Saludar si Ongjunta Tanes ng Thai­land habang si Ladon ay makakasukatan si Te­mertas Zhussupov ng Ka­­zakhs­tan at ang mana­nalo ay makakatiyak na ng bronze medals.

 

ARDEE SAILOM

ASIAN ELITE MEN

CHINA OPEN

GUANGZHOU ASIAN GAMES REY SALUDAR

JUNEL CANTANCIO

KAIRAT YERALIYEV

LONDON OLYMPICS

MARIO FERNANDEZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with