LONDON--Halos 77 taon na ang nakararaan mula nang magkampeon ang isang British player sa Wimbledon.
At may pagkakataon si second-seeded Andy Murray na wakasan ito.
Umiskor si Murray ng isang 4-6, 3-6, 6-1, 6-4, 7-5 panalo laban kay 54th-ranked Fernando Verdasco para makapasok sa semifinals sa pang limang sunod na pagkakataon.
Makakalaban ni Murray, tubong Scotland, sa semis si No. 24 Jerzy Janowicz ng Poland.
Ang iba pang maglalaban sa semifinals ay sina No. 1 Novak Djokovic ng Serbia laban kay No. 8 Juan Martin del Potro ng Argentina.
“Great atmosphere at the end of the match. ... I love it when it’s like that. It was extremely noisy,†sabi ni Murray, natalo sa Wimbledon final kay Roger Federer. “They were right into it, pretty much every single point.â€
Matapos matalo sa 2012 Wimbledon final, nagbalik si Murray para talunin si Federer sa kanilang gold medal match sa 2012 London Olympics.
Sa U.S. Open noong Setyembre ay binigo naman niya si Djokovic para sa kanyang unang Grand Slam title.