EL SEGUNDO, Calif. --Halos dalawang oras tuÂmagal ang pagpupulong nina Lakers general manager Mitch Kupchak, Kobe Bryant, Steve Nash at iba pang kinatawan ng koponan noong Martes kasama si free agent center Dwight Howard sa hangaÂring panatilihin siya sa Los Angeles.
“At the meeting, we told him how important he is to the Lakers team, franchise, fans and community, and why we feel this is the best place for him to continue his career,†wika ni Kupchak sa isang statement. “We are hopeful that Dwight decides to remain a Laker.â€
Si Howard ang tinatarget ngayong free agent ng mga koponan matapos magbukas ang free agency noong Lunes.
Hangad ng Lakers na mapanatili si Howard sa Los Angeles.
Interesado rin sa serbisÂyo ni Howard ang Houston Rockets, Dallas Mavericks at ang Atlanta Hawks.
Sa unang season ni Howard sa Lakers, nawalis ang Los Angeles sa first-round playoff series.
Hindi ito ikinasiya ni HoÂward.
Puwedeng mag-alok ang Lakers ng isang maximum na $118 milyon sa loob ng limang seasons, habang ang ibang koponan ay puwedeng maglatag ng $88 milyon sa loob ng apat na taon.
Maaaring makipagnegosasyon ang mga team sa mga players ngunit ang lahat ng kontrata ay sa July 10 pa maaaring pirmahan alinsunod sa moratorium ng NBA ukol sa free agency base sa bagong collective bargaining agreement.