^

PSN Palaro

Rios ibibigay ang lahat para talunin si Pacquiao

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahan ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios na makakasagupa niya ang Manny Pacquiao na hinirang na world eight-division champion at tumalo sa mga pamosong boksingero noong mga nakaraang taon.

Ito ang sinabi ng 27-anyos na si Rios sa panayam ng Hustle Boss kaugnay sa kanilang banggaan ng 34-anyos na si Pacquiao sa The Venetian Macao Resort Hotel sa Macau, China sa Nobyembre 24 (Nobyembre 23 sa US).

“We’re just going to be ready for the best Manny Pacquiao. The one that was beating everybody. The one that was on top of the world. We got to be ready for that type of Manny,” ani Rios.

Maghaharap sina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Rios (31-1-1, 23 KOs) sa isang non-title, welterweight fight.

Nauna nang nagpakondisyon sa kanilang training camp ni Mexican trainer Robert Garcia si Rios, habang nagpapapawis naman si Pacquiao sa mga tune-up basketball games sa Ge­neral Santos City.

Kapwa nanggaling sa kabiguan sina Pacquiao at Rios bago ang kanilang paghaharap.

Natalo si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. via split decision noong Hunyo 9 bago siya napatumba ni Juan Manuel Marquez sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagkikita noong Disyembre 8.

Isang unanimous decision loss naman ang nalasap ng 27-anyos na si Rios kay Mike Alvarado sa kanilang rematch noong Marso 30.

BAM BAM

HUSTLE BOSS

JUAN MANUEL MARQUEZ

MIKE ALVARADO

NOBYEMBRE

PACQUIAO

RIOS

ROBERT GARCIA

SANTOS CITY

TIMOTHY BRADLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with