Nationals isa-isa nang nalalagas sa Asian Martial Arts
MANILA, Philippines - Walang suwerte na kumapit sa mga Pambansang atleta na napalaban sa idinadaos na 4th Asian Indoor & Martial Arts Games sa Incheon, South Korea.
Ang swimmer na si Hannah Dato ang siyang piÂnaÂlad na pumasok sa finals sa kanyang event na 200-m Individual Medley gamit ang 25-meter pool pero pumangwalo at huli siyang tumapos sa 2:20.22 tiyempo na 10.17 segundong napag-iwanan ng nanalo ng ginto na si Nugyen Thi Anh Vien ng Thailand.
Lagas din ang mga pool wizards na lumaro sa men’s at women’s 6-red snooker at men’s 1-cushion, hindi rin pinalad ang mga matitikas na bowlers na lumaban sa men’s singles habang naubos ang limang muay artists na isinali sa kompetisyon.
Nanalo si Michael Angelo Mengorio kay Lee Gunjai ng Korea sa round-of-64, 5-4, bago nasibak kay Yoni Rachmanto ng Indonesia, 1-5, sa men’s 6-red snooker habang si Francisco dela Cruz ay nanalo kay Suriya Suwanna Singh ng Thailand, 83-34, pero natalo kay Durkhee Hwang ng Korea, 73-100, sa quarterfinals sa men’s 1-cushion.
Si Flordeliza Andal ay yumukod agad kay Nicha Pathom Ekmongkhon ng Thailand, 0-4, sa unang laro sa women’s 6-red snooker.
Walang inilahok ang Pilipinas sa men’s 9-ball dahil ang mga mahuhusay tulad nina Francisco Bustamante, Dennis Orcollo at Jeff de Luna ay may ibang pinaglalaruan kaya’t inaasa ang medalya sa bilyar sa mga lady players na sina Iris Ranola at Rubilen Amit sa women’s 9-ball at 10-ball.
Sa bowling nasama sa top eight sa qualifying round sa women’s singles si Krizziah Lyn Tabora sa naitalang 1229 pin falls matapos ang anim na laro pero laglag agad siya sa knockout quarterfinals laban kay Yeon Ju Huwang, 194-232.
Wala namang pinalad na umabante sa qualifying sa kalalakihan at si Raoul Miranda ang lumabas bilang may pinakamataas na puwesto sa apat na pambato sa 14th place mula sa 77 naglaro sa 1282 iskor.
- Latest